Add parallel Print Page Options

Nagpadala si Solomon ng ganitong mensahe kay Haring Hiram[a] ng Tyre: “Padalhan mo ako ng mga kahoy na sedro gaya ng ipinadala mo sa aking amang si David nang nagpatayo siya ng palasyo niya. Magpapatayo ako ng templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Dios. Magiging banal ang lugar na ito na pinagsusunugan ng mabangong insenso, hinahandugan ng banal na tinapay, pinag-aalayan ng mga handog na sinusunog tuwing umaga at gabi at sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Pagsisimula ng Buwan[b] at sa iba pang mga pista sa pagpaparangal sa Panginoon na aming Dios. Ang tuntuning itoʼy dapat tuparin ng mga Israelita magpakailanman.

“Napakalaki ng templo na itatayo ko, dahil makapangyarihan ang aming Dios kaysa sa ibang mga dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:3 Hiram: o, Huram.
  2. 2:4 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.